"We often fool ourselves and say it's love
Only cause when it's gone we end up being lonely
So how are we to know, that it just isn't so
That we just have to let each other go"
" Ano ba yan! Kay aga-aga nag-eemote ka na!" sabi ng bestfriend kong si Alexandrine matapos niyang kunin ang isang pares ng headset ko at pakinggan ito. Iniripan ko na lang siya bilang sagot ko.
" Alam mo K!? Kaysa mag-emote ka diyan bakit hindi mo subukang eenjoy ang buhay mo! Kesa naman mag-isa ka ditong nakatambay sa kwarto mo at iniisip yung magaganda ninyong alaala ni Ivan, bakit hindi mo subukan yung nakasulat sa bibliya na GO TO THE WORLD AND MULTIPLY!!" mahabang litanya niya at tiningnan ko lang siya ng masama.
" I'm moving on." sagot ko.
" Moving on? Sinong niloko mo? Lolo mo?? K mahigit isang taon ng patay si Ivan. Siya masaya na dun sa langit kasama si Lord, ikaw? Nagmomove-on pa?? Aba! Masyado mo atang idol si Maja at pati yung kanta niyang dahan-dahan ay inaapply mo sa sarili mo! Isipin mo naman yung mga taong nagmamahal sa'yo sa paligid mo! Yung mga taong nasasaktan dahil sa mga pinapakita mo!" ito ang ayaw ko eh. Yung sasabihan nila akong magmove-on at kalimutan si Ivan. Hindi ko kayang kalimutan ang taong mahal at minahal ako ng buong-buo.
" Shut up A! Kung pagsasabihan mo lang din naman ako, the door is wide open for you to leave." sabi ko tsaka binalik ang headset sa tenga ko at nahiga pabalik sa kama.
Bigla niya akong niyakap mula sa likuran " I'm sorry K, I just want you to be happy" sincere niyang sabi.
" Paano ako sasaya, kung yung taong nagpapasaya sa akin ay wala na A!" hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Akala ko ay naiyak ko na lahat pero hindi pa pala.
" Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin siya. Yung mga panahong magkasama kami. Alam mo kung ano ang mas masakit?? Na kahit pati yung gabing naaksidente kami ay di pa rin mawala sa isip ko!!" patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Lecheng isip naman kasi to!! Ang sakit sakit na! Pagod na pagod na to." sabay turo ko sa dibdib ko.
" Gusto ko ng makita at mayakap siya A! I really really miss him badly! Kung pwede ko lang sanang kunin yung katawan niya at e-preserve ay ginawa ko na! Pero imposible eh! Pinacrimate na ni Tita yung katawan niya, hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong masilayan yung katawan niya." pagkatapos kasi ng aksidente ay pinacrimate agad ng Mommy ni Ivan ang katawan ng anak.
" Bakit parang ang unfair lang A?? May nagawa ba akong masama? At ganito ka miserable ang buhay ko??"
" Ikaw lang naman ang nag-iisip na miserable ang buhay mo K. Hindi dahil nawala si Ivan ay titigil na rin ang pag-ikot ng iyong mundo" sabi niya habang inaalo ako.
"Sabihin nating nahinto lang sandali, pero pwede mo namang pindutin uli yung play button para ipagpatuloy ang buhay mo K. Life must go on! Kahit mahirap ay dapat mong kayanin." ang kahuli-hulihang salitang narinig ko bago ako nakatulog.
Nagising ako sa mahimbing kong pagkakatulog dahil sa isang malakas na katok mula sa labas ng kwarto ko. At ang hindi ko inaasahan ay ang marinig ko mula sa labas ang boses ni Ivan. Dali-dali akong bumangon at agad binuksan ang pinto. Halos tumalon ang puso ko ng makita ko siyang nakangiti sa akin at may dala-dalang bouquet ng tulips at teddy bear.
" Bakit hindi ka pa bihis?" tanong niya sa akin. "Nakalimutan mo sigurong may date tayo ngayon." nakangusong sabi niya niya, napangiti ako dahil sa reaksyon niya. Gustong-gusto ko talagang tingnan at panuorin ang lahat ng reaksyong ginagawa niya.
" Magbibihis lang ako. I LOVE YOU." sabi ko at dali-daling pumasok pabalik sa kwarto ko para magbihis.
" KRIAN ANAK!! KRIAN ANAK!" agad akong napabalikwas ng marinig ko ang boses ni Mama sa labas. Panaginip, isang malaking panaginip na kahit kailan ay hindi magkakatotoo.
" Hindi na lang sana ako nagising, o di kaya ay panaginip lang ito ngayon at yung kanina ay ang totoo.." napayakap ako sa dalawa kong tuhod at nagsimula na namang umiyak. Ganito na lang palagi ang nagagawa ko sa tuwing napapaniginipan ko si Ivan.
Pinunasan ko ang mga luha ko at agad nagtungo sa C.R para maghilmos. Ayaw kong mag-alala si Mama. Pagkatapos kong maghilamos ay binuksan ko na yung pinto at agad akong napangiti ng makita ko si Mama sa labas habang nakanguso.
"Andiyan ka pala sa loob ba't hindi ka sumasagot?" tanong niya.
" Nakatulog ako eh. " sabay kamot sa ulo ko.
"Malapit na ang pasukan anak. Baka sa kalagitnaan ng klase mo ay makatulog ka." natatawang sabi niya.
" Hindi yan Ma. Trust me!" sabi kong ng nakangiti. " Si A nga pala?" tanong ko nang pababa na kami sa hagdan.
" Umuwi na, tinulugan mi kasi." sabay pisil sa pisngi ko.
" Puyat kasi ako. " puyat sa kakaiyak dugtong ng isip ko
"Puyat dahil sa kakaisip sa kanya?" diretsong tanong ni Mama sa akin.
Tumawa ako ng pilit " H-hindi no!! Matagal na akong naka m-move on!" halos mabilaukan ako sa huling salitang sinabi ko.
"That's good. " sabay ngiti sa akin at nagpasiunang naglakad sa kusina.
Tahimik lang kaming kumakain. Dalawa lang kasi kami dito sa bahay. Si papa ay nasa LA para magtrabaho, samantalang si Ate Kris naman ay may pamilya na.
"Nagpa-enroll ka na ba K?" ang tanong na bumasag sa katahimikan.
" Bukas pa ako magpapa-enroll" sagot ko
"Gusto ko sanang mag shift ng kurso at ilipat ka ng school." sabi niya na naging dahilan para mabitawan ko ang hawak-hawak kong kutsara.
"For what? Okay naman ang grades ko sa St. Claire ah! And besides sayang yung panahong ginugol last year pagnagpalit pa ako ng kurso." kunot noo kong sabi.
"Alam ko anak, kasi ang sa akin lang naman ay mas madali mong makakalimutan si Ivan kung new environment at may bago kang classmates na makakasalamuha." paliwanag ni Mama.
"Ayaw ko." matigas kong sabi. Uminom ako ng tubig at tumayo. "I'm done. Salamat sa pagkain." narinig ko pa nga ang pagbuntong hininga ni Mama bago ako nakalabas ng kusina.
Lumabas ako ng bahay para magpahangin dahil pag nagtagal pa ako doon ay baka lumaki lang ang alitan namin ni Mama. Alam kong gusto niya lang akong tulungan, pero ayaw ko.
Sa paglalakad ko hindi ko man lang namalayan na dinala na pala ako ng sarili kong mga paa sa park kung saan madalas kami ni Ivan. Agad akong naupo doon sa isang swing habang pinapanuod ang mga batang masayang naglalaro ng habulan. Siguro kung andito si Ivan ay masaya naming pinapanuod ang ganitong eksena. I sighed deeply. "Paano ko siya makakalimutan , kung sa lahat ng lugar na pinupuntahan ko ay naaalala ko siya?"
"Ang unfair mo beh! Ang dami mong iniwang masasayang alaala na ang hirap kalimutan! Sana ay sinaktan mo na lang ako! Kesa naman ganito!!" hindi ko na alam kung pang ilang beses ko na siyang iniyakan.
" I hate these tears!" sabay punas ng luha ko gamit ang likod ng palad ko.
" Here..." napatingin ako sa lalaking nag-abot sa akin ng panyo. Nakangiti siya sa akin na animoy nakikisimpatya sa nararamdaman ko ngayon.
" Salamat." sabay abot ko sa panyo at ginamit iyon.
Umupo siya sa katabing swing at pinaandar iyon ng sobrang lakas. Laking gulat ko na lang ng bigla siyang sumigaw na naging dahiln kung bakit napatingin sa amin ang lahat ng tao sa park.
" See??? Hindi mo dapat sineseryoso ang mundo. Nawalan o Naiwan ka man dapat mo ding pahalagahan ang sarili mo paminsan-minsan. " nakangiting sabi niya habang nakatingin sa malayo.
"Mapaglaro ang tadhana, hindi sila nagbibigay ng schedule kung saan at kailan ka nila paglalaruan. Mas maigi kung mas maaga ay nakahanda ka na, para pag schedule mo na ay handa kang lumaban at sa bandang huli ay hindi ka masyadong masaktan." sabi niya at saka tumalon sa swing habang umaandar pa ito.
"bye. See you around" sabi niya at agad naglakad palayo.
Naiwan akong nakatulala. Hindi ko maintindihan yung mga pinagsasabi niiya. Baliw ba yun? Takas sa mental? Tiningnan ko yung pnayong binigay niya may nakaburda itong "LR"
Matapos kong tumambay sa park ay napagpasyahan ko ng umuwi at maghahapon na din. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang mga salitang binitawan ng lalaki sa park.
"Kilala niya kaya akO? paano?" tanong ng isip ko.
Biglang nag ring ang cellphone ko at agad ko din namang sinagot.
"Hello k, nasaan ka?" tanong agad ni Alexandrine sa kabilang linya.
"Papauwi na. Galing ako sa park."
"Nagpa-enroll ka na ba??
"Hindi pa." simpleng sagot ko.
"Sabay tayo bukas?" bakas sa boses niya ang saya.
"Hindi na. Baka hindi ako sa St. Claire mag-aaral. Baka magtransfer ako A." sabi ko. Hindi ko alam pero bigla kung naisip yung sabi ng lalaki kanina. Panahon na siguro para sa sarili ko.
" Ha??? Saan ka magtratransfer?? Bakit??" di makapaniwalang tanong niya.
" Sa M.U(Miriam Universtiy) siguro" sagot ko. "Gusto kong makalimot" dugtong ko.
"Si-sigurado ka na ba diyan K??."
"OO A! Simula sa araw nato ay pipilitin ko na siyang kalimutan" sabi ko. Narinig ko pa ang mahina niyang pagsinghot
"I'm somhappy for you K! Sasamahan kita bukas! Kung saan ka doon din ako!" hindi ko alam pero bigla akong sumaya.
"Okay, then see you tomorrow?" sabi ko. Kahit hindi ko siyia nakikita ay sigurado akong tumatango-tango siya.
"A'right!! See you tomorrow" then i ended the call.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento