Sabado, Hulyo 6, 2019

Dalawa

Maaga akong nagising kinabukasan para magpa-enroll sa M.U. Iba kasi ang patakaran ng eskwelahang ito. First come, first served! Pag una kang nakapagpa-enroll mas malaki ang chance mong makapili ng kursong gusto mo. hindi alam ni mama ang paglipat ko ng school, though yun ang gusto niyang mangyari ay hindi ko pina-alam. Ayaw ko lang kasi sa ideya niyang pagpapalit ng kurso ko.

Naglalakad ako papasok sa gate ng M.U nang magbeep ang cellphone ko. Binasa ko yong mensahe ni A. " Nasaan ka na? Andito ako sa canteen."

I was about to reply her ng tamaan ako ng isang empty plastic bottle. Agad napadako ang tingin ko sa pinanggalingan ng empty bottle. Nakita ko ang isang babaeng nakatungo, mataas ang paldang suot, may malaking salamin, medyo magulo ang buhok. Tingin ko sa itsura pa lang ng babae ay may bullying na nagaganap. Laking gulat ko na lang bigla nilang buhusan ng isang baldeng tubig na may ice ang babae. I pity her.

Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko about sa pagtratransfer dito. Mga abnormal ang mga estudyanteng nag-aaral sa eskwelahang ito. Nakita na nga nilang binubully ang isa, nagagawa pa nilang pagtawanan. Gusto kong tulungan ang babae pero baka ako naman ang pagdiskitahan. Kaya lang naman ako lumipat ng school ay para makalimot.

Bagsak ang balikat ko papuntang canteen. Naawa ako sa babaeng nakayuko at basang-basa habang nilalamig.

"HOY! Lutang ka na naman!" bungad ni A sa akin ng mapansing wala ako sa sarili.

"Huwag na lang kaya tayong magtransfer A?" mahinang sabi ko.

Biglang nagsalubong ang kilay niya na animoy pinaprocess ang sinabi ko.

" Naku K! Huwag mo akong mabiro-biro ng ganyan! Kung alam mo lang ang piangdaanan ko para makuha to!" tapospinakita niya sa akin ang form na fifill-upan namin. Halos lumuwa ang mata ko dahil sa pagkaka-alam ko ay hindi madali ang makakuha ng form. Kinakailangan mo pang tumawid nang ilang sapa at umakyat ng ilang bundok!

"Paano ka nakakuha niyan A?" tanong ko.

" I have my ways K! Kaya huwag mo akong mabiro-biro ng ganyan dahil dugo't pawis ang inilaan ko para makuha lang ang lecheng form nato!" sa tono ng boses niya para nga siyang dumaan sa butas ng karayom.

"pero A, may bullying dito."

"Lahat ng eskwelahan may bullying na nagaganap K! Kaya huwag kang OA at fill-upan mo itong form ng maipasa na natin sa admin!" sabi niya at napanguso ako.

Matapos kong fill-upan ang form ay agad kaming pumunta sa admin para maipasa iyon. Kumatok muna kami sa pinto bago pumasok sa loob. Laking gulat ko na lang ng makita ko yong lalaki sa park na prenteng nakaupo sa mesa.

"Ikaw ang admin?" naibulalas ko na nagpakunot ng noo ng lalaki.

"Ganyan na ba ako katanda para mapagkamalan mong admin?" natatawang sabi niya

"S-sorry. Kasi naka-upo ka diyan." sabay turo ko sa mesang kinauupuan niya na may nakalagay na admin. halos mapasigaw ako ng biglang sundutin ni A ang tagiliran ko.

"Gaga! Ang bata-bata pa niyan mapagkakamalan mong admin? eh mga gorang yun!" bulong ni A sa akin.

Tumawa ng malakas yung lalaki at biglang tumayo. "Let me introduce myself first. I'm Louis Ray Gonzales." sabay abot ng kamay at inabot ko rin para makipaghand shake

"Hindi ako ang admin dito. Napag-utusan lang ako na dito muna tumambay." nakangiting sabi niya

"So,I guess magpapasa kayo ng form?" tanong niya habang nakatingin sa form na hawak-hawak ko.


"ha-ha-ha" pilit na tawa ni A. "OO nga pala yung form" tapos hinablot niya yung form sa akin at ibinigay kay Louis.

Naupo siya pabalik at pinagtuunan ng pansin yung form namin. Mga ilang minuto lang ay natapos na siya. "here.." sabay bigay ng form na agad din naming inabot iyon at nagpasalamat bago lumabas.

"Paano mo nakilala yun? " tanong ni A ng makalabas na kami at naglalakad papuntang business office.

"I have my ways A!" pang gagaya ko sa kanya.

"tseeeee! You're nothing but a second rate, trying hard copy cat!! " pang gagaya niya kay Angelika Dela Cruz sa bituing walang nining na naging dahilan ng pagtawa namin.

"WHAT THE HELL!! YOU ARE A WALKING DISASTER!!" gigil na pagkakasabi ng babaeng nabangga ko na basang-basa na sa juice iyong suot niyang damit.

"S-sorry" sabi ko at dali-daling kumuha ng panyo para punasan yung basa

"Wait" pigil niya sa akin at kinuha yung panyong hawak-hawak ko.

"Bakit na sa iyo to?" mataray niyang tanong. Ang tinutukoy niya ay yung panyong pinahiram ni Louis sa akin. Nakalimutan kong isuli kanina.


"A-ano.. P-pinahi....."

"Nevermind!!" putol niya sa sasabihin ko.

"Tabi!!" pagpapa-alis niya sa akin at agad din namin akong tumabi.


"Bruha! Akala mo kung sinong maganda! Malaki naman ang mukha!leche!" pabulong na sabi ni A pero dinig na dinig ko. Gusto ko sanang tumawa sa pinagsasabi ni A pero hindi ko magawa dahil nakatingin sa amin ang lahat ng estudyante sa hallway.

"Nasaan na ba kasi ang Business office?" pagmamaktol ni A. "Bilisan na nga natin K! Nang matapos na tayo!" sabay hila sa kamay ko.

"A, sigurado ka na bang ayaw mong mag back out?" tanong ko sa kanya ng makita ko ang haba ng pila.

"Yan nga din ang itatanong ko sa iyo K." mahinang sagot niya.

"will you please move? Kung hindi kayo magbabayad ay umalis kayo diyan! Esturbo kayo sa pila!" sabi ng matabang babae na nasa likuran namin. Wala na kaming nagawa kundi ang ipagpatuloy ang pagpila. Nandito narin naman kami kaya ipagpatuloy na lang.

gabi na rin ng maka-uwi na kami sa bahay. Halos pumutok ang paa ko sa kakatayo kanina. Daig ko pa ang nag-audition sa isang contest nito.

"Kumain na ba kayo?" tanong ni Mama na kakalabas lang sa kusina.

"Hindi pa po Tita" si A na ang sumagor ng hindi ako umimik.

"Akala ko ba ay magpapa-enroll lang kayo. Ba't kayo ginabi?"

" May dinaanan lang po kami tita." pagsisinungaling ni A.


"O siya! Tumayo na kayo diyan at kumain na!" " sabi ni mama na sinagot lang namin ng tango.

Tahimik kaming kumakain ni A, dahil ang tanging gusto ko lang ngayon ay ang matapos ang pagkain ko nang saganun ay makapagpahinga na ako. Gusto ko ng magshower! Feeling ko ang lagkit-lagkit ko!

Napatigil ako sa pagkain ng maalala ko si Ivan. Yung mga panahong masaya kaming naglalaro sa park na animoy mga bata. Hanggang ngayon tandang-tanda ko pa rin. Ayaw na ayaw kong madikit sa pawis na pawis niyang katawan dahil sa lagkit. I sighed deeply and tried to removed the thoughts away.

"Problema mo?? Nabilaukan ka?" tanong ni A ng mapansin ang pananahimik ko.

"H-ha? Wala. Busog,lang ako" pagdadahilan ko. She just smirked.

"Talaga lang ha? wala kang naalala!? Huwag mo akong intindihin A! Mag-emote ka lang diyan!sanay na ako!" sabay subo ng pagkain

"Whatever A!! Mauuna na ako sayong maligo. Sumunod ka na lang pagtapos ka na diyan." sabi ko saka naglakad palabas ng kusina.

"Hoy! Grabe ka K! Iwan ba naman ang bisita!! Sabay na tayo!" sigaw niya

" May paa ka!! Nakakalakad ka! Kaya sumunod ka! " sabi ko

"Sige na nga! Nang makapag emote ka!" panunukso niya na napairap ako.

Pagkarating ko sa loob ng kwarto ko ay agad kong isinalampak ang sarili sa kama at napatingin sa kisame "Makakalimutan pa kaya kita?"

" Naaalala mo pa kaya ako Ivan kahit nasa langit ka na? Mahal mo pa rin kaya ako? Masaya ka ba diyan?" mahinang tanong ko.

"Kung hindi lang kita kilala K, aakalain kong baliw ka! Magsalita ba naman mag-isa!!" bulalas ni A habang nakatayo sa may pinto.

"Hindi usong kumatok A?" i asked sarcastically

" kumatok ako. Sadyang lutang ka lang.mukhang na Ivan overdose ka na naman!" natatawang sabi niya

"Shut up!! " tapos binato ko sa kanya ang unan sayang at nasalo ng loka?

"Saan na na naman ba umabot yang imahinasyon mo K? Nakarating na kaya sa outer space?" biro niya ulit. Gusto ko siyang sabunutan dahil napipikon na ako.

"Ewan ko sa'yo A! Ito piso" tapos binigyan ko siya ng piso. "Bumili ka ng kendi at humanao ka ng kausap mo!" saka ako pumasok sa loob ng cr para mag shower. Narinig ko pa ang malakas niyang pagtawa sabay sabing "PIKON!"

"PIKON!" ang salitang na naging dahilan kung bakit naging kami ni Ivan.

Una

"We often fool ourselves and say it's love
Only cause when it's gone we end up being lonely
So how are we to know, that it just isn't so
That we just have to let each other go"

" Ano ba yan! Kay aga-aga nag-eemote ka na!" sabi ng bestfriend kong si Alexandrine matapos niyang kunin ang isang pares ng headset ko at pakinggan ito. Iniripan ko na lang siya bilang sagot ko.

" Alam mo K!? Kaysa mag-emote ka diyan bakit hindi mo subukang eenjoy ang buhay mo! Kesa naman mag-isa ka ditong nakatambay sa kwarto mo at iniisip yung magaganda ninyong alaala ni Ivan, bakit hindi mo subukan yung nakasulat sa bibliya na GO TO THE WORLD AND MULTIPLY!!" mahabang litanya niya at tiningnan ko lang siya ng masama.

" I'm moving on." sagot ko.

" Moving on? Sinong niloko mo? Lolo mo?? K mahigit isang taon ng patay si Ivan. Siya masaya na dun sa langit kasama si Lord, ikaw? Nagmomove-on pa?? Aba! Masyado mo atang idol si Maja at pati yung kanta niyang dahan-dahan ay inaapply mo sa sarili mo! Isipin mo naman yung mga taong nagmamahal sa'yo sa paligid mo! Yung mga taong nasasaktan dahil sa mga pinapakita mo!" ito ang ayaw ko eh. Yung sasabihan nila akong magmove-on at kalimutan si Ivan. Hindi ko kayang kalimutan ang taong mahal at minahal ako ng buong-buo.

" Shut up A! Kung pagsasabihan mo lang din naman ako, the door is wide open for you to leave." sabi ko tsaka binalik ang headset sa tenga ko at nahiga pabalik sa kama.

Bigla niya akong niyakap mula sa likuran " I'm sorry K, I just want you to be happy" sincere niyang sabi.

" Paano ako sasaya, kung yung taong nagpapasaya sa akin ay wala na A!" hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Akala ko ay naiyak ko na lahat pero hindi pa pala.


" Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin siya. Yung mga panahong magkasama kami. Alam mo kung ano ang mas masakit?? Na kahit pati yung gabing naaksidente kami ay di pa rin mawala sa isip ko!!" patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Lecheng isip naman kasi to!! Ang sakit sakit na! Pagod na pagod na to." sabay turo ko sa dibdib ko.


" Gusto ko ng makita at mayakap siya A! I really really miss him badly! Kung pwede ko lang sanang kunin yung katawan niya at e-preserve ay ginawa ko na! Pero imposible eh! Pinacrimate na ni Tita yung katawan niya, hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong masilayan yung katawan niya." pagkatapos kasi ng aksidente ay pinacrimate agad ng Mommy ni Ivan ang katawan ng anak.

" Bakit parang ang unfair lang A?? May nagawa ba akong masama? At ganito ka miserable ang buhay ko??"

" Ikaw lang naman ang nag-iisip na miserable ang buhay mo K. Hindi dahil nawala si Ivan ay titigil na rin ang pag-ikot ng iyong mundo" sabi niya habang inaalo ako.

"Sabihin nating nahinto lang sandali, pero pwede mo namang pindutin uli yung play button para ipagpatuloy ang buhay mo K. Life must go on! Kahit mahirap ay dapat mong kayanin." ang kahuli-hulihang salitang narinig ko bago ako nakatulog.

Nagising ako sa mahimbing kong pagkakatulog dahil sa isang malakas na katok mula sa labas ng kwarto ko. At ang hindi ko inaasahan ay ang marinig ko mula sa labas ang boses ni Ivan. Dali-dali akong bumangon at agad binuksan ang pinto. Halos tumalon ang puso ko ng makita ko siyang nakangiti sa akin at may dala-dalang bouquet ng tulips at teddy bear.

" Bakit hindi ka pa bihis?" tanong niya sa akin. "Nakalimutan mo sigurong may date tayo ngayon." nakangusong sabi niya niya, napangiti ako dahil sa reaksyon niya. Gustong-gusto ko talagang tingnan at panuorin ang lahat ng reaksyong ginagawa niya.

" Magbibihis lang ako. I LOVE YOU." sabi ko at dali-daling pumasok pabalik sa kwarto ko para magbihis.


" KRIAN ANAK!! KRIAN ANAK!" agad akong napabalikwas ng marinig ko ang boses ni Mama sa labas. Panaginip, isang malaking panaginip na kahit kailan ay hindi magkakatotoo.

" Hindi na lang sana ako nagising, o di kaya ay panaginip lang ito ngayon at yung kanina ay ang totoo.." napayakap ako sa dalawa kong tuhod at nagsimula na namang umiyak. Ganito na lang palagi ang nagagawa ko sa tuwing napapaniginipan ko si Ivan.

Pinunasan ko ang mga luha ko at agad nagtungo sa C.R para maghilmos. Ayaw kong mag-alala si Mama. Pagkatapos kong maghilamos ay binuksan ko na yung pinto at agad akong napangiti ng makita ko si Mama sa labas habang nakanguso.

"Andiyan ka pala sa loob ba't hindi ka sumasagot?" tanong niya.


" Nakatulog ako eh. " sabay kamot sa ulo ko.

"Malapit na ang pasukan anak. Baka sa kalagitnaan ng klase mo ay makatulog ka." natatawang sabi niya.

" Hindi yan Ma. Trust me!" sabi kong ng nakangiti. " Si A nga pala?" tanong ko nang pababa na kami sa hagdan.

" Umuwi na, tinulugan mi kasi." sabay pisil sa pisngi ko.

" Puyat kasi ako. " puyat sa kakaiyak dugtong ng isip ko

"Puyat dahil sa kakaisip sa kanya?" diretsong tanong ni Mama sa akin.

Tumawa ako ng pilit " H-hindi no!! Matagal na akong naka m-move on!" halos mabilaukan ako sa huling salitang sinabi ko.

"That's good. " sabay ngiti sa akin at nagpasiunang naglakad sa kusina.

Tahimik lang kaming kumakain. Dalawa lang kasi kami dito sa bahay. Si papa ay nasa LA para magtrabaho, samantalang si Ate Kris naman ay may pamilya na.

"Nagpa-enroll ka na ba K?" ang tanong na bumasag sa katahimikan.

" Bukas pa ako magpapa-enroll" sagot ko


"Gusto ko sanang mag shift ng kurso at ilipat ka ng school." sabi niya na naging dahilan para mabitawan ko ang hawak-hawak kong kutsara.


"For what? Okay naman ang grades ko sa St. Claire ah! And besides sayang yung panahong ginugol last year pagnagpalit pa ako ng kurso." kunot noo kong sabi.

"Alam ko anak, kasi ang sa akin lang naman ay mas madali mong makakalimutan si Ivan kung new environment at may bago kang classmates na makakasalamuha." paliwanag ni Mama.

"Ayaw ko." matigas kong sabi. Uminom ako ng tubig at tumayo. "I'm done. Salamat sa pagkain." narinig ko pa nga ang pagbuntong hininga ni Mama bago ako nakalabas ng kusina.

Lumabas ako ng bahay para magpahangin dahil pag nagtagal pa ako doon ay baka lumaki lang ang alitan namin ni Mama. Alam kong gusto niya lang akong tulungan, pero ayaw ko.

Sa paglalakad ko hindi ko man lang namalayan na dinala na pala ako ng sarili kong mga paa sa park kung saan madalas kami ni Ivan. Agad akong naupo doon sa isang swing habang pinapanuod ang mga batang masayang naglalaro ng habulan. Siguro kung andito si Ivan ay masaya naming pinapanuod ang ganitong eksena. I sighed deeply. "Paano ko siya makakalimutan , kung sa lahat ng lugar na pinupuntahan ko ay naaalala ko siya?"


"Ang unfair mo beh! Ang dami mong iniwang masasayang alaala na ang hirap kalimutan! Sana ay sinaktan mo na lang ako! Kesa naman ganito!!" hindi ko na alam kung pang ilang beses ko na siyang iniyakan.

" I hate these tears!" sabay punas ng luha ko gamit ang likod ng palad ko.

" Here..." napatingin ako sa lalaking nag-abot sa akin ng panyo. Nakangiti siya sa akin na animoy nakikisimpatya sa nararamdaman ko ngayon.

" Salamat." sabay abot ko sa panyo at ginamit iyon.


Umupo siya sa katabing swing at pinaandar iyon ng sobrang lakas. Laking gulat ko na lang ng bigla siyang sumigaw na naging dahiln kung bakit napatingin sa amin ang lahat ng tao sa park.


" See??? Hindi mo dapat sineseryoso ang mundo. Nawalan o Naiwan ka man dapat mo ding pahalagahan ang sarili mo paminsan-minsan. " nakangiting sabi niya habang nakatingin sa malayo.


"Mapaglaro ang tadhana, hindi sila nagbibigay ng schedule kung saan at kailan ka nila paglalaruan. Mas maigi kung mas maaga ay nakahanda ka na, para pag schedule mo na ay handa kang lumaban at sa bandang huli ay hindi ka masyadong masaktan." sabi niya at saka tumalon sa swing habang umaandar pa ito.

"bye. See you around" sabi niya at agad naglakad palayo.

Naiwan akong nakatulala. Hindi ko maintindihan yung mga pinagsasabi niiya. Baliw ba yun? Takas sa mental? Tiningnan ko yung pnayong binigay niya may nakaburda itong "LR"


Matapos kong tumambay sa park ay napagpasyahan ko ng umuwi at maghahapon na din. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang mga salitang binitawan ng lalaki sa park.

"Kilala niya kaya akO? paano?" tanong ng isip ko.

Biglang nag ring ang cellphone ko at agad ko din namang sinagot.

"Hello k, nasaan ka?" tanong agad ni Alexandrine sa kabilang linya.

"Papauwi na. Galing ako sa park."


"Nagpa-enroll ka na ba??


"Hindi pa." simpleng sagot ko.


"Sabay tayo bukas?" bakas sa boses niya ang saya.

"Hindi na. Baka hindi ako sa St. Claire mag-aaral. Baka magtransfer ako A." sabi ko. Hindi ko alam pero bigla kung naisip yung sabi ng lalaki kanina. Panahon na siguro para sa sarili ko.


" Ha??? Saan ka magtratransfer?? Bakit??" di makapaniwalang tanong niya.


" Sa M.U(Miriam Universtiy) siguro" sagot ko. "Gusto kong makalimot" dugtong ko.

"Si-sigurado ka na ba diyan K??."

"OO A! Simula sa araw nato ay pipilitin ko na siyang kalimutan" sabi ko. Narinig ko pa ang mahina niyang pagsinghot

"I'm somhappy for you K! Sasamahan kita bukas! Kung saan ka doon din ako!" hindi ko alam pero bigla akong sumaya.

"Okay, then see you tomorrow?" sabi ko. Kahit hindi ko siyia nakikita ay sigurado akong tumatango-tango siya.

"A'right!! See you tomorrow" then i ended the call.

Simula

SHADOWS OF YESTERDAY

"Hindi mo kasalanan ang lahat Krian. Huwag mong sisihin ang sarili mo." ang mga salitang mas lalong nagpa-iyak sa akin matapos ang aksidente.

Hindi man lang ako sinisi ng pamilya niya. Mas lalo ko lang nararamdaman na kasalanan ko ang lahat!

Kung hindi lang sana ako nagpumilit na sumama sa kanya.

Kung hindi lang sana niya ako hinatid pauwi.

Kung sana hindi ako pumayag sa gusto niyang isuot yung helmet niya.

SANA...

SANA MASAYA KAMI NGAYON.

Isang taon na ang nakalipas pero bakit parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Isang taon na pero sariwa parin sa akin ang mga pangyayari noong August 5, 2013, martes ng gabi. Ang gabing inakala kong isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko. Hindi ko akalaing magiging isang sumpa pala!

"Beh, uwi na ako." paalam ko kay Ivan. Andito kasi kami sa bahay ng kaibigan niyang si Jed. May small gathering silang nagaganap dahil kaarawan ni Jed.

Ayaw niya sana akong isama dito dahil alam niyang mapapasubo siya sa inuman. Kaya lang nagpumilit akong sumama.

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan " Hatid na kita beh." sabi niya. Medyo mapula na yung pisngi niya dala ng alak.

"Huwag na beh. Nakakahiya sa mga kaibigan mo kung iiwanan mo sila at saka nakainom ka. Bawal kang magdrive" paliwanag ko sa kanya.

"Ihahatid kita." sabay pisil sa ilong ko. "Mas importante ka kesa sa kanila. Nakainom lang ako, hindi ako lasing" dugtong niya saka ngumiti. Nag nod na lang ako bilang pagpayag ko sa gusto niya.

Tawa lang kami ng tawa habang papunta kami sa labas kung saan nakaparada yung motorsiklo niya. Hindi ko alam yun na pala ang huling pagkakataon kong marinig ang tawa niya na parang musika sa pandinig ko.

"I love you beh." sabi niya ng makarating kami sa tapat ng motorsiklo niya at hinalikan ako sa labi.

"I love you more beh."sabi ko at ngumiti ng pagkalapad-lapad

"Isuot mo to" sabay abot niya sa akin ng helmet niya.

"Paano ka?" tanong ko.

"Di bale nang ako ang wala, kesa ikaw. Baka masaktan ka pa. Papakasalan pa kita" sabay hawak niya sa pisngi ko,na ikinapula nito.

"Ang cheesy mo" pagbibiro ko sa kanya.

"Sa'yo lang naman ako nagkakaganito" at ngumiti siya. Ngiting hindi mo gugustohing mawala.

Agad akong umangkas sa motirsiklo niya at pinaandar niya ito. Noong una ay mabagal pa ang pagpapatakbo niya.

Nasa kalagitnaan kami ng kalsada ng biglang umulan ng malakas. Hindi ko alam pero biglang bumilis yung takbo niya.

"Higpitan mo yung hawak mo beh" utos niya na agad kung sinunod.

Halos hindi ko na nga masyadong makita ang daang tinatahak namin.

Hanggang sa may liwanag akong nakita na papalapit sa amin.

*scrrrrrreeeeecccchhhh*

at hindi ko na alam ang nangyari dahil bigla na lang akong nawalan ng malay...

Nagising na lang sa ako dahil sa ilaw na bumabalot sa loob ng kwartong kulay puti ang pintura. Nakita ko si Mama at ang bestfriend kong si Alexandrine

May benda ang kanang braso ko at may nakatusok na dextrose sa kaliwa.

May konting galos ang ulo at tuhod ko.

Bigla kong naalala ang nangyari at doon na ako nagsimulang kabahan at humagolgol ng iyak.

Nabangga kami ng isang malaking truck, at tumilapon ako sa damuhan.

"Si Ivan?" ang kauna-unahang salita na lumabas sa labi ko. Walang sumagot. Nakatungo lang sila na para bang ayaw nilang sabihin sa akin ang sagot sa tanong ko.

"Ma! Ano ba?! Nasaan si Ivan?!!!" sigaw ko kay Mama.

May kung anu-anong hinala na pumasok sa isip ko. Lahit kailan hindi ko matatanggap yun!

Hindi ako pwedeng iwan ni Ivan! Mahal niya ako! Nagpromise siya sa akin na hinding-hindi niya ako iiwan!!!

"H-hindi." diing pagkakasabi ko sa aking paghikbi.

"A-anak, wala na si Ivan." sabi ni Mama ng yakapin niya ako.

"HINDI!!! HINDI PA PATAY SI IVAN DI BA?! HINDI NIYA AKO IIWAN!!!" parang batang iyak ko.

"Hush baby.. Iiyak mo lang yan" alo ni Mama sa akin. Habang nakatingin lang ang bestfriend ko. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.

"Ma, nagpromise siya eh! Nagpromise siya!" pinipilit kong kalasin ang yakap ni Mama sa akin.

"Ma, hindi niya ako pwedeng iwan.. M-mahal niya ako" at tuluyan na akong napaupo sa pag-iyak.

"Kahit gaano niyo pa kamahal ang isa't-isa. Pag si kamatayan na ang kumontra wala na tayong magagawa. Hindi natin kontrolado ang lahat." mahinahong utal niya.

Masakit isipin na ang taong pinakamamahal mo ay kinuha na ng Maykapal. Hindi ko matanggap na sa dinami-daming tao na pwede niyang kunin bakit si Ivan pa?! Bakit yung taong mahal ko pa?

Minsan hindi ko mawari kung bakit ang unfair ng Diyos?

Kinukuha niya yung taong hindi pa nararapat kunin.

Bakit hindi na lang yung mga adik sa lipunan? Yung mga kriminal na walang awang pumapatay! Sila yung dapat hindi binibigyan ng karapatang mabuhay!

Niyakap ko ang aking sarili dahil sa lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko. Andito ako ngayon sa veranda ng bahay namin.

Iniisip ko na naman ang buhay ko. Iniisip ko ang taong mahal na mahal ko.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakakalimutan. Yung mga maliligaya naming sandali.

Hanggang ngayon Mahal na Mahal na Mahal ko pa rin si Ivan.

Miss na miss ko ang Ivan ko.

Ang Ivan na tinuring akong prinsesa.

Ang Ivan na Minahal ako ng buo.

Ang Ivan na handang ibuwis ang sarili niyang buhay para sa akin.

Minsan hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa kanya o magagalit.

Magpapasalamat dahil niligtas niya ako sa kamatayan?

O

Magagalit dahil iniwan niya akong nag-iisa at miserable ang buhay.

Sana isinama niya na lang ako sa pinuntahan niya. Hindi sana ako umiiyak ngayon.

Simula ng mawala siya. Nawalan na rin akong mamuhay. Napapabayaan ko na ang mga kaibigan ko, ang pamilya ko at ang sarili ko.

Sa tuwing naiisip ko si Ivan tanging ang pag-iyak na lang ang nagagawa ko. May pag-asa pa kaya ako na maging masaya tulad ng dati?